Saturday, May 20, 2006

Film Showing: Humiliation Day ^^;

2/23/06 Papanoorin na ng klase 'yung 3 role plays. Nagpalipat-lipat pa kami ng multimedia room dahil sa incomplatibility ng facilities. Nagpakalat na ng mga papel para sa nominations ng awardees & evaluation ng groupmates. Mayroon akong 3 ibinagsak sa evaluation. E, paano, ang nakalagay sa evaluation sheet, e: willingness to work, punctuality, ability to share ideas. Naman! Paano ko gi-grade-an 'yung iba? Kami ang unang play na ipinalabas. Walanjo! Mabenta pa rin ang play namin kahit sabog. Nagpagawa ang groupmates ko ng bagong bloopers dahil hindi raw nakakatawa 'yung nauna. Sabi ng prof, baka raw tawa lang nang tawa ang mga kaklase ko & hindi iniintindi ang kwento. Ok rin ang play ng grupo ni Arianne. Asteeg! American accent! 'Yung iba, medyo pa-cute nga lang umarte. Kinulang lang daw ng editing. Astig 'yung bahay nina Aaron kung saan nag-shoot sina Arianne. Hindi nai-burn sa cd ang play nina Yam. Nasa videocam pa pero edited na. Nagkaroon ng technical problems. Walang Genetics nang hapong 'yon kaya naghintay ako para panoorin ang huling play. Nainip na 'yung iba kong kalase kaya umuwi na sila. Kaonti na lang ang nanood ng huling play. Ok rin ang play nina Yam. Seryoso & organized. Ang lakas nila dahil sa ospital pa sila nag-shoot. Ate raw ni Yam ang camerawoman. Asti umarte si Jaja - natural. In fairness, halos pare-pareho ang format ng mga play namin: Noong una, inis na inis ako sa play namin (lalo na 'yung unang dalawang panood ko), pero nang mapanood ko ang play ng ibang grupo - na-realize ko na ok rin naman pala 'yung amin. Ako ang nangolekta ng nomination sheets. Ayaw pang isulat ni Anthony ang pangalan niya sa Best Actor. Ako nga ang nagsulat. Tabo ang kumag ng best actor nomination! Ang hina ni ma'am! Hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin ng tabo. Tabo raw ang ia-award. ^^; Patawarin ninyo ako sa pagbalimbing sa grupo natin dahil hindi solid Karen Quinlan ang boto ko.

Karen Ann Quinlan Play: Editing Day 3

2/21/06 Nauna na sila sa Audiovox. Pagdating ko doon, pinapanood na nila 'yung finished product. Umabot naman ng 16 minutes. Nagpakopya sila ('yung mga may pambayad) nung play. Itinuro rin ni Cheche kung paano malalaman kung may laman na ang isang cd. Pagkalabas namin, hinabol pa ni Cheche si Kristina. Kulang pa raw ang ibinayad namin.

Karen Ann Quinlan Play: Editing Day 2

. . .
Sociology. Sabi ni Kristina, 13 minutes lang ang duration ng play namin. Marami kasi ang kulang sa play namin. Marami akong naging hirap para sa play na 'yon pero hindi man lang ako na-appreciate ng mga ka-grupo ko. Sabi ni Kristina, sino raw ba ang nagsabi na hindi ako naa-appreciate? Hindi na kailangang sabihin dahil nararamdaman ko, & saka kung na-appreciate nila ang hirap ko, e di sana wala akong nakaaway. Nag-tuluy-tuloy na ang bad trip ko hanggang PE. Pumunta na ako sa Audiovox pagkatapos ng PE. Kailangan ako doon dahil ako ang nakakaalam ng kwento. Ni-retype ko 'yung script dahil nawala 'yung kaisa-isahang kopya. Napagdugtong na raw 'yung pagbuhat sa miscarriage scene. Inayus-ayos na 'yung play. Maiksi lang ang mga kuha ko sa clinic kaya ginawan ng still shots 'yung iba. Nilagyan din ng "In Loving Memory of Karen Ann Quinlan" para humaba. Gabi na nang mai-type ko 'yung cast, sponsors, & acknowledgement. Gutom na gutom na naman ako. Alas - 9 na nang matapos ang pag-eedit ng play & ng cast ek-ek. Inumpisahan nang gawin ang bloopers. Unahin daw 'yung bloopers kaysa acknowledgement para panoorin pa ng mga kaklase ko 'yung bloopers. Sila na raw ang bahalang gumawa ng bloopers kaya umalis na kami ni Kristina nang mga 9:30.Sarado na ang Recto gate kaya sumabay ako kay Kristina sa pagsakay sa jeep. Ibinayad niya ako ng pamasahe. Pagkababa ng jeep, nagmadali na ako sa paglalakad. Mga 9:45 ako nakarating sa Gastambide gate. Nasa parking lot na ang mga magulang ko. Nag-alala ako kung nadala nila 'yung hiniram kong libro sa Genetics dahil may practicals kami kinabukasan. Sabi ng tatay ko, nasa bag na raw. Inabutan ako ng tinapay nang magreklamo akong gutom na gutom na ako.

Thursday, May 18, 2006

Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 5 & Editing Day 1

2/17/06 Binigyan namin ng chance si Wilmer para makasama sa shooting. Pinagdala nila ito ng polo. Nag-shoot sila ng 4 P.M. gamit ang videocam ko dahil low-batt na na 'yung kay Kristina (Kasalanan ko, I know. Pinanood ko kasi 'yung laman ng V8 ng kay Kristina, e.). Nagkita-kita sila sa chapel kung saan kukuhanan 'yung eksena. Bumaba ako galing gym 5 para ibigay ang instructions & sinabi ko kay Kristina na nasa dulo ng faculty room 'yung script. Umakyat uli ako ng gym 5. Hindi ko na nakita ang shooting. Alalang-alala ako sa shooting kaya gustung-gusto ko nang mag-bell. Wala na sila sa chapel nang bumaba ako kaya pumunta na ako sa Audiovox. Ang bilis ko raw. Akala ko nang-aasar sila kaya sinabi ko na may klase pa kasi ako. Nandoon din sina David & Justin. Pinapunta raw kasi sila ng mga direktor sa 'di malamang dahilan. Sabi ni Kristina, na-low-batt din ang videocam ko kaya minadali nila ang pag-shoot. Ang alam ko, 68 pa ang power ng videocam ko noong tanghali. Nanghihiram ng hikaw si Justin. Nang ipahiram ni Pitchie 'yung kanya, tumanggi si Justin. Pampokpok daw. Si Kristina raw ba ang nasa celfone ng huli? May katabi kasi itong lalaki. Sabi ni Kristina, ate raw niya 'yon. Kung hindi si Kristina ang nasa picture, ibig bang sabihin - may chance pa si Justin sa kanya? *joke* Pinababa kami & pinapunta sa sa extension. Ang kitid & ang tarik ng hagdan. Parang kagagawa pa lang ng extension 'yon. Wala masyadong upuan, mga bangko-bangko lang. Bukas ang TV, Dragonball ang palabas. Si Cheche ang mag-e-edit. Umakyat siya para kunin ang narration ni Gholami & 'yung digicam na Canon EOS. Naikwento uli ni Kris Ann 'yung Saw II. Para raw Pinoy Big Brother na walang kewnta. Ikinulong raw an mga contestants sa isang bahay & kailangan nilang makaalis doon within a certain period. Nag-caho dancing si Justin sa harap ng aircon (?). Si Kristina (?), nag-macho dancing sa harap ni Kris Ann (?). Nang dumating na si Cheche, nagkuhanan na ng mga pictures. Bilisan daw namin dahil malo-low-batt na raw 'yung digicam. As usual, si David & ang kanyang trademark smile with the "pogi" sign. Type yata ni cheche si Justin. Dalawa ang solo shots niya, e. 'Yung unang pose, feeling PBB housemate. Habang kinukunan 'yon, nasabi kong "Go! Franzen!" At 'yung isa, parang posing daw ng (relax na) rapist. Syempre, magkakasama 'yung mga babae. Sina Fe & Pitchie, isang pose na seductive & isang pose na magkaakbay. Sina Kris Ann & Angeli: "cute" posing kay Angeli & nakalagay ang mga kamay ni Kris Ann sa balikat ng nauna. Sina Klarisse & Rachelle: parang katulad ng naunang pair - si Rachelle nakangiti & nakalagay din sa balikat ni Rachelle ang mga kamay ni Klarisse. Nakataas pa nga 'yung isang paa ni Klarisse, e (parang 'yung dapat daw gawin sa 1st kiss). Kaya nang makita 'yung mga nakuhanan, inasar nila si Klarisse: "O, nasaan 'yung paa?" Ako, solo flight. One of the boys? Wala akong maisip na pose kaya ginawa ko na lang 'yung nakasanayang ko nang gawin sa nguso ko: "fish lips". Akala ko nga sasamahan ako ng mga lalaki sa kuha ko, e - 'yung parang pinag-aagawan nila ako (ambisyosa! I know). Ako, naka-PE uniform. Si Kristina, naka-pink na blouse. Sinabi niya 'yung dahilan kung bakit siya nagpalit ng damit, pero hindi ko na maalala. Mga pasaway! Hindi sumusunod sa dress code! May limang group shots: 1 serious (as in!) & 4 na wacky. Sa 4 na wacky shots, seryoso pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit trip ko magdrama nang araw na 'yon - 'yun bang parang maiiyak ako sa harap ng camera. 'Yung isa sa wacky shots - 'yung puro babae lang, extra lang ako. Ayaw ko kasing ipinagsisiksikan ang sarili ko sa hindi ko dapat kalagyan, e. Pati ba naman sa pictorial, maprinsipyo pa rin? Hindi kasi kami close, e. Amp! Ang laki ng tiyan ko! 'Yung isa pa sa mga wacky shots - 'yung "Raise the Roof", kunwaring binubuhat ng iba 'yung kisame (mababa kasi) & ako - nakatingala, nagtataka kung ano'ng meron sa kisame. Inilipat na sa computer 'yung mga pictures & video. Habang naglilipat ng mga ito, nag-aasaran sila. Fe + Justin = Test Cross (daw). Magkatabi sa sofa sina Klarisse & David. Hindi sila nakaligtas sa asaran. Klarisse + David = Sex Ratio (daw). Gustung-gusto nang umuwi ni Justin. Gusto ba raw naming makita siya sa Lunes na nakaburol na? Sabi ko, e di ididikit na namin siya sa notebook (ebony ang tawag sa kanya, dahil sa isang breed ng fruitfly na maitim - tulad daw niya). Na-bad trip ang kumag. Nag-sorry ako. Sabi ko, hayaan na naming makauwi 'yung tao (tao?) dahil hindi naman namin siya kayang i-excuse sa magulang niya ang pag-uwi niya nang gabi. Hinayaan na naming makauwi 'yung 2 lalaki ('yung isa yata, kalahati lang ^^;). Nawawala raw 'yung kaisa-isahang scriptUmalis ako para kunin 'yung background music, hanapin si Wilmer sa 5th floor ng Dentistry (dahil ayon sa schedule niya, may Anatomy pa siya) & 'yung script sa chapel kung saan sila huling nag-shoot. Wala na sa 5th floor si Wilmer & wala na ang script sa chapel. Pagbalik ko sa extension, nag-textback raw si Wilmer na idadaan niya ang script kung hindi pa siya nakakauwi. Nakita ko si Joachim sa isa pang beses kong pagbalik & hiningi sa akin 'yung vcd ng Les Miserables & dinala ko na pabalik 'yung nebulizer accessories. Nasa extension 'yung vcd kasama ng videocam kaya dinala ko pa siya doon. Maraming beses akong nagpabalik-balik sa UE & Audiovox, hindi ko lang maalala kung bakit. Buti na lang sa extension kami nag-edit & hindi sa taas. Baka hindi ko na maakyat 'yon sa pagpapabalik-balik ko. Bago ako umalis, umalis din si Cheche. Pagdating ko, wala pa rin siya. Kumain lang daw. Napakatagal namang pagkain 'yan, o! Naghanap na ako ng magagamit na bgm galing sa mga anime soundtracks ko para sa play namin. Umalis 'yung iba para bumili ng pagkain. Naiwan kaming 2 ni Pitchie. Natakot si Pitchie dahil baka ma-gang rape daw kami. Medyo liblib kasi 'yung lugar. 'Yun daw ang dahilan kung bakit ayaw niyan pauwiin kaagad sina David & Justin. Sabi ko, 'wag na lang niyang isipin 'yon para hindi mangyari. Wala akong ibang dalang armas kundi isang kalawanging cutter. Nagsimula na ang editing nang mga 7 something. Nakabalik na 'yung iba. Binigyan ako ni Fe ng french fries. Grabe, gutom na gutom & poagod na pagod na ako. Umalis ako nang mga 9. Sinabi kong hindi ako sigurado kung makakabalik pa ako. Nawalan ako ng ganang kumain. Dahil ba sa pagod o sa pag-ibig? ^^;

Thursday, May 11, 2006

Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 4

2/16/06
Happy Birthday, Kristina!
Birthday ni Kristina kaya uuwi siya nang maaga. Sabog na sabog ako sa araw na ito. Hindi ko alam kung bakit. Dumating sina Gholami & Rose sa ED 311. Hindi dumating si Wilmer na siyang gaganap bilang Dr. Morse. Si Gholami ang pumalit sa role niya. Nagmamadali sina Gholami kaya nag-shoot na kami ng alas-6. Ako ang camerawoman sa gabing ito dahil konti na lang daw ang space sa V8 ni Kristina. Hindi ko alam kung ano ang ipapagawa ko sa mga ka-grupo ko. Halos lahat sila, nagmamadaling makauwi. Hindi ko alam kung bakit naghubad ng polo si Anthony & nagtago sa loob ng cubicle. Sabi ni Kris Ann, 'wag daw siyang panoorin. Sabi ko, sige, pagbigyan si movie star. Aba, nagalit & nagsumbong kay Angeli. Nang paartehin ko na (mag-alala), sinabi ni Angeli na isipin na lang daw ni Kris Ann ang nagyari. Tinanggap ko na kung anumang bloopers ang gawin ng mga ka-grupo ko. Nasasayang ang oras, pagod, change & tape. Nag-sorry ako kay Kris Ann. Akala ko raw ba ay madali ang ipinagagawa ko? Nag-sorry ako dahil ayaw ko ng kaaway. Pinapili ko sila ng kama para kay Angeli. Mababa 'yung napili nilang kama. Ikinabit na nila 'yung mga props. Kinunan ko na rin 'yung pagpapatanggal ng respirator. Iniwan na ni Kristina 'yung videocam niya sa akin. Kukunan kasi ng picture si Angeli & 'yung mga dying patients. Nang matapos ang check-up scene nina Gholami & Rose, sinamahan na sila ni Pitchie sa Audiovox para ipa-record ang narration. Dinala nila ang kaisa-isahang script. Nagmamadali si Anthony dahil 'pag ginabi siya, bubugbugin na naman siya ng tatay niya. Kinunan ko na ang senti moments ng kumag. Siya ang gumawa ng eksena niya. Hinayaan ko na siyang umuwi. Kinunan ko na rin ang senti moments ni Kris Ann. Hinayaan niyang humarang ang buhok sa mukha niya. "I never wanted to be kept by extraordinary means" scene. Video na ang ginamit ko dahil mahirap ipakita sa picture ang pag-iling. Nainip si Ralph kaya umidlip muna siya. Dumating na si Pitchie. Pinasama ko siya sa isang eksena dahil kulang na ng character. Pagkakuha ng eksena ni Ralph, umuwi na siya. Tatlong eksena na lang & matatapos na kami. Sabi ko kay Angeli, masaya 'yung susunod niyang eksena dahil magwawala siya. Binara ako ni Kris Ann. "Ano kayang masaya dun?" Naasar na rin siguro sa kanya si Rachelle kaya sinabihan siya ng "Umuwi ka na nga." "Bakit mo ba ako pinapauwi?!" sagot ni Kris Ann. Fetal position scene. Nahulog si Angeli sa kama kaya itinigil ko 'yung record. Sana hindi ko itinigil para raw madagdagan 'yung bloopers. Umalis na 'yung iba para magbihis. Nag-sorry ako kay Angeli & itinanong kung ano ang sinabi ni Kris Ann tungkol sa akin. Sabi ni Pitchie, saka ko na lang daw itanong 'yon & tapusin na namin ang shooting ng pagwawala. Sabi ni Angeli, masakit daw sa likod 'yung kama sa clinic & sumakit ang ulo niya sa pagwawala. Ako na ang nag-uwi ng videocam & nebulizer accessories ni Kristina. Natapos ang shooting ng alas-8. Nakaka-asar 'yung dingding ng napili nilang kama, bakbak 'yung puting pintura kaya may brown spot doon. Pinanood ko 'yung mga nakuhanan ni Kristina. Ang daming bloopers, lalo na sa party scene. Sayang & hindi nadala ni Kristina ang charger para kung sakaling ma-low batt 'yung videocam niya, e mai-charge ko.
P.S. Sabi ng nanay ko, may hitsura raw si Anthony. Ipinakita ko kasi sa nanay ko 'yung video. Sabi ko, "Bakit kaya siya nagustuhan nung bakla sa bus?"

Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 3

2/15/06
Chapel, 11:30 - 12:15
Church scene. Pinagbihis ko na 'yung mga kasali sa eksena. Ang tagal dumating nina David & Anthony. Si David ang pari, naka-short-sleeved blue polo. Nagshoot kami sa gilid ng chapel. Ginamit namin 'yung dalawang upuan doon. Sabi namin kay David, tanggalin niya 'yung "gay band" niya. Hiphop si Father. Pinahagulgol ko si Kris Ann - as usual - ayaw niya.Pinalapit ko si David kay Kris Ann. Ang layo, e. Hindi natapos ang eksena dahil magsisimula na ang misa. Babalik na lang kami anytime this week. Napagkasunduan na naming umalis dahil baka mapagkamalang pari si David & siya ang pagmisahin.
College of Law - Moot Court, 4 P.M.
J V Casamayor vs. The Students of AHSE
Magshu-shoot kami ng court scene kaya pumunta kami sa Moot Court ng College of Law. Pinagsuot nila si Ralph ng pormal dahil abugado ang role niya. Sabi ni David, may dala siyang 2 polo: isang blue & isang pink. Suot niya 'yung blue & naiwan daw niya sa sasakyan 'yung pink. Sabi ko, 'wag ipasuot kay Anthony 'yung pink dahil lala siyang iitim. Walang costume ang huli kaya bumaba ako para kunin ang reserba kong polo sa kotse namin. Alam kong kukulangin o walang magdadala ng damit kaya nagdala na rin ako. Malayo rin pala ang lakarin mula sa Moot Court papuntang parking lot. Tama ang kumag. Malaki kay Anthony 'yung polo. Natural, sukat ko 'yun, e. Hah! 'Yun ang suot ko nung prom. Si David ang chief justice kaya nagdala siya nung kahoy na martilyo & pukpukan. Wala raw may dala ng robe. Kakailanganin na naman ang tulong ng victorian maid costume ni Daryl. Ang daming nagyosi sa loob ng moot court. Natakot ako & baka hulihin kami. Ipinasuot ko kay David 'yung buong costume. Mwehehe. Kasya sa kanya pero nahirapan siyang ipasok 'yung balakang niya. Natawa ako. Ang halay! Walang boobs! Ipinasok namin 'yung torso part sa loob ng palda & iniharap 'yung parteng may zipper para magmukhang robe. Wala rin costume 'yung iba pero may nagdala ng mga blazers o pampatong sa damit. Um-extra 'yung mga taga-Terri group bilang audience o witnesses. Sabi ni Pitchie, nagpaka-epal daw si Marc sa kamera. Naingayan ako kaya nakiusap ako sa mga tao sa likod na lumabas muna dahil hindi maririnig 'yung dialog sa kamera. Hindi ko naman alam na nasa likod si Cisamayor (Cisa for short, 'yung gwardiya) na may hawak na mga baraha & kausap ang isa sa mga kaklase ko. Sabi niya, sige - mag-shoot daw muna kami & mag-usap daw kami pagkatapos. Natapos ang shooting. Nakalimutan ko nang may problema kami. Kinausap kami ni Cisa sa labas ng moot court. Sino raw sa grupo namin ang sasama sa kanya sa SAO (?)? Alam daw ba naming bawal magdala ng baraha sa eskwelahan dahil pagsusugal daw 'yon. Bakit daw kami gumagamit ng moot court nang walang paalam? Hiningi niya ang mga pangalan ng mga gumamit ng baraha (4 sila: Camille, Billy, etc.). Kinukuha rin ang pangalan ni Arianne pero hindi niya ibinigay. Sabi ni Arianne, nagpaalam siya sa AHSE office & sa dean ng College of Law kung pwedeng gamitin ang moot court. Sabi sa College of Law, pwede raw gamitin ang moot court hangga't walang naka-schedule na gagamit na taga-Law. Sabi ko, 'pag pumunta kami sa opisina, siguradong babaligtarin kami ng mgha matatanda. Sabi ni Cisa, bakit raw niya kami babaligtarin? Sabi ko, hindi siya - 'yung mga taga-opisina. Ang tapang ni Arianne! Pumunta ang grupo namin, si Arianne & si Cisa sa opisina ng College of Law para kumpirmahin ang sinabi ni Arianne. Tama ang huli. Laking pasasalamat ko kay Arianne. Dadalahin daw ni Cisa 'yung pangalan ng 3 o 4 na gumamit ng baraha sa SAO. Naku! Baka magka-record ang mga 'yon & hindi makaalis sa AHSE. Galit na galit ang mga kaklase ko. Gusto lang daw magpasikat ni Cisa & i-promote ang sarili. Buti & hindi nakita ni Cisa 'yung maraming nagyoyosi sa loob ng korte. Marami pang grupo ang gagamit ng korte. Pagkaiwan ng mga gamit sa faculty room, naghanap na kami ng mag-e-edit ng video. Pumunta kami sa Picture Madness. P2 000 daw ang editing. Nakita ni Rachelle ang signboard ng Audiovox. Umakyat kami. Ang taas. Liblib & nakakatakot kung magkakasunog doon. Naku! "wag naman. Ok naman 'yung in-offer nilang services. Noise reduction lang daw ang hindi nila magagawa. Epal kausap 'yung kalbong si Kuya Warren (Naaalala ko sa kanya si Darth Vader. I wonder why.). P600 daw ang minimum & madadagdagan na lang depende sa oras na magagamit. Itinanong niya nag course namin. Sabi ko pre-dent. Sabi ng mga kaklase ko, dapat nursing daw ang sinabi ko para hindi kami tagain sa bayad. Nagpakita na rin siya ng finished products. Ok naman. Sabi ko, magka-canvass pa kami. Sabi niya, sa kanila na raw kami magpa-edit. Maaaring makakuha kami ng P250/editing pero pangit daw ang quality. Lumabas kami sandali. Sabi ng mga ka-grupo ko, dun na raw kami magpa-edit. Nagpareserba na kami. Nag-abono ako ng P200 & si Pitchie ng P100 para sa downpayment sa pagpapareserba.
2/14/06 Nagpasa kami ng sulat sa Clinic na humuhingi ng permiso para makapag-shoot doon. Sa labas na raw kami magkita-kita & hindi sa loob ng clinic.

Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 2

2/10/06 Sabi ni Pitchie, magkita-kita raw sa Ministop, 1 P.M. Finalize. 9 A.M. Sa bahay daw nila David magshu-shoot. Sabi ko, hindi kaya makaabala sa kanya kasi,ipinagdrive na niya kami gamit 'yung kotse niya. Inialok ko pa nga 'yung bahay namin. Buti na lang hindi nila binalak na mag-shoot sa amin. Pumayag naman si David - tamang-tama dahil wala raw ang nanay niya bukas.
2/11/06 Maaga akong dumating sa faculty room pero hinintay kong mag-9. 'Yun ang napag-usapang oras, e. Wala ang tatay ko, nagpunta sa Laguna para sa HS Homecoming nila. May homecoming din ang nanay ko sa hapon. Namasahe lang kami. 9 A.M. Pumunta na 'ko sa Ministop (Gastambide). Ang dami kong dala - mga damit & handout sa Socio-Anthro (marriage & the family). Sino'ng nandoon? Si Anthony - lang. Naka-t-shirt na blue. Alas-7 daw siya umalis sa bahay & dumating doon nang alas-8. Sabi ko, dalawa kasi 'yung oras na ibinigay ni Pitchie - 9 A.M. & 1 P.M.. Bumili ako ng maliit na sabon. P8.50. May tax na 1.50 - exclusive. Nagbasa ako ng handout habang naghihintay sa pagdating ng iba. Inilabas ni Anthony ang wallet niya. Sa ate raw niya 'yon - luma & hindi na ginagamit. Nandoon ang picture ng nanay niya & studio shot niya kasama ang isang kaklaseng (?) lalaki. Natatawa ako sa studio shot na 'yon - para siyang naka-lipstick & make-up. Hehe. Dumating si Kris Ann. Naka-sleeveless. Astig! Magshu-shoot kami ng adoption scene. Alam ko, hindi pa uso ang sleeveless noon. Dumating si Pitchie, naka-blue na blouse & nakatsinelas. Dumating na rin si Angeli. Astig 'yung blouse ni Kristina, may nakasulat na “Juicy”. Sabi ko, pwede bang tikman 'yang juicy? ^^; Wala pa sina Rachelle & Klarisse. Sabi ni Pitchie, nasa airport daw si Ralph. Bumili si Pitchie ng joe bush para maging dugo sa miscarriage scene. Pumunta kami sa bahay ni Ralph. Sabi ng gwardiya, dumating na raw ito galing sa airport & umalis uli para mag-basketball. Tama 'yan. Iwasan ang shooting. Pumunta na kami sa chapel para mag-shoot ng adoption scene. May dala si Kristina na puppet baby. Astig, dahil mukhang totoo. Si Pitchie ang madre. Nakipagpalit siya ng tsinelas. Isinuot niya ang victorian maid costume ni Daryl. Akala ko mahaba kay Pitchie, ok naman pala. Belo? Palda ng AHSE uniform. Hiniram niya ang panali ko sa buhok. Sabi ko, pasensya na siya dahil mabaho ‘yung pantali ko sa buhok. Isa lang ang hairclip & wala na akong nahanap sa locker ng nanay ko. Sepia ang film shot para mukhang luma. Dumating na si Klarisse. Hindi na ako masyadong nakialam sa shooting ng adoption scene. Nabasa ko 'yung naka-pin sa board. Sinulatan ng mga bata ang Diyos. Nakakatawa 'yung mga sinabi ng mga bata. Minsan, masyado nang komplikado ang buhay ng tao kaya hindi na natin naiisip ang mga simpleng bagay. Nakaka-touch 'yung sinabi ng isang bata. Heto.
Dear God,
Instead of letting people die & having to make new ones, why don't you just keep the ones you got now?
Jane
Kung gusto raw ni Ralph na humabol, pupuntahan niya kami sa chapel. Nang matapos ang adoption scene, hinintay naming dumating si Rachelle. Galing pa raw kasi ito ng Bulacan. Habang naghihintay, pinaglaruan nila 'yung puppet baby. Kinarir yata ni Anthony ang pagiging tatay. Nag-iinternalize? Ewan. Hah! Pareho pa kami ng kulay ng damit ni Rachelle - yellow. Palabas na kami ng Lepanto gate nang makita namin sina Jenny (Batigolao), Hanna, Cherry, & Mulan na nagshu-shoot din para sa Health Ethics - Nancy Cruzan. Nasa kamang de gulong si Jenny, may dugu-dugo pa. Siya si Nancy. Si Hanna ang nurse. Astig! Parang professional. As usual, AHSE uniform ang suot ng nurse. Nakasuot ng operating suit & lab gown si Mulan. Naglakad kami hanggang Morayta para maghanap ng masasakyan. Para raw kaming magsu-swimming dahil naka-blouse & tsinelas lang 'yung ibang babae. Sumakay kaming 8 (ako, Angeli, Klarisse, Kristina, Kris Ann, Pitchie, Rachelle & Anthony) sa isang Tamaraw FX na pula. Habang nasa sasakyan, nagkapansinan ng mga ulo - kung flat ba o hindi. Inaantok daw si Klarisse. Sabi ko, tumabi siya sa akin para makasandal siya sa taba ko, pero hindi siya lumipat. ^^; Ang layo ng bahay ni David. Sa Quezon City - lampas pa ng New Era. Naghintay kami sa tapat ng isang tindahan. Bumili si Angeli ng Sweet Corn na tig-pipiso. 'Yung iba, bumili ng ice cream cones. Isang bote lang ng tubig ang dala ko kaya hindi ako bumili ng ice cream. Nang tangkain ko nang bumuli, dumating na si David, sakay ng Nissan Frontier Titanium. Galing daw ito sa mall. Binati ni Anthony ang gasgas sa right side ng van. "Tol!" tatawa-tawa pa nag kumag habang hinahawakan ‘yung gasgas. Sumakay ang mga babae sa van. Naiwan ako sa labas. Akala ko sasakay kami sa likod ng pick-up, pero sabi ni Anthony, lakarin na lang daw namin 'yung papunta sa bahay. Pababa raw 'yung daan papunta dun kaya matatagtag sila sa loob ng van. Malaki raw ang bahay nila David kaya mamamangha raw ang mga ka-grupo namin. Rich kid naman kasi 'yun. Sabi ko, hindi naman ako basta-basta nagre-react sa mga nakikita ko. Syempre, naunang makarating 'yung mga nakasakay sa van. Oo nga, malaki 'yung bahay. Tumawag sila sa Jollibee para magpadeliver ng tanghalian. Pinagtiyagaan muna namin 'yung sweet corn habang wala pa 'yung pagkain. Pabirong nagparinig si Angeli, sana raw iba ang pinili ni Kris Ann para maging tatay niya sa play. "Jologs" ang palabas sa cable. May nagtanong kung bakit nakakalipad si Julia Clarete. Sabi ko, martial arts. Sabi ni Angeli, lumilipad ba 'pag nagma-martial arts? May laruang cowboy (?) na nakaupo sa puno ng mangga sa gitna ng yard, feeling kapre. Nag-concert si Angeli ng I Turn to You habang nakikinig sa celfone niya. May bagong FHM si David, si Camille Pratts ang covergirl. May sample pa ng Premiere Condoms & may kasama pang sex tips. Sabi ni Kristina, hindi raw matalbog 'yung bola ng basketball. Umalis sina David & Anthony, hindi ko alam kung saan nagpunta (baka nagbasketball, ewan). Nakaupo kami ni Rachelle sa bench na bato nang may sumitsit sa 'min. May bata sa 2nd floor. Ang kulit. "Psst! Babae" Sabi ko, may identity crisis ako kaya hindi ko pa alam kung babae ba ako o lalaki. Sabi ng bata, idaan daw namin 'yung bola ng basketball sa bintana. Paano naming idadaan 'yun, e may grills ang bintana & nasa 2nd floor siya. Pinababa ni Rachelle 'yung bata. Dumating na ang pagkain after 48 years. Akala ko nga, alas-3 pa kami manananghalian, e. Shoot daw muna ng lunch scene kaya sa yard kumain 'yung mga hindi kasama sa eksena. Dahil wala si Ralph, tinanggal na 'yung role na John (kapatid ni Karen). Si David (as driver) na lang ang isinama sa eksena. Naglabas siya ng mga plato & kubyertos. Wow, pare! Heavy! Ang bigat ng mga plato. Dun kami kumain. May baon si Anthony, manok din - tulad ng ulam naming Chickenjoy. Mas marami pa ang kanin niya kay Angeli, e si Angeli ang dapat na matakaw sa eksena. Bloopers na naman ang dala ni Anthony. Sabi ko, isulat na lang namin 'yung dialog niya sa plastik ng loaf bread para hindi na niya makalimutan. Maiksi lang naman 'yon. Karen, you're hungry, aren't you? Nagreklamo si Angeli. Mauubos na raw 'yung pagkain niya, hindi pa tapos ang eksena. Hindi raw alam ni Kristina na magsasalita ako kaya hindi niya ako nakuhanan. Ok lang. Pagkatapos kumain, inipon ko ang mga kalat & kinuha ang mga hindi nagamit na straw, tinidor, & tissue. Naghanap si Pitchie ng bote para pagkalugan ng joe bush. Lumabas ang lahat dahil ayaw ni Kris Ann na may nanonood sa kanya kapag nagshu-shoot. Ok, pagbigyan si movie star. Si Kristina ang nag-demo ng miscarriage: bababa ng hagdan & mapapaupo sa isang step. Sabi ko kay Kris Ann, sumigaw siya ng "Joe!" Ayaw niya. Sige, "Oh my God" na lang. Lumabas man ako, sinilip-silip ko pa rin ang ibang kuha mula sa katabing kwarto. As usual, bloopers ni Kris Ann ang sumunod. Puti ang palda ni Kris Ann (ipinahiram?) kaya sa binti lang siya binuhusan ng dye. Akala nga ng cook, nahulog si Kris Ann sa hagdan. Pinahiram ni David si Anthony ng maroon na polo dahil wala itong dalang costume. Maraming bloopers sa pagbuhat kay Kris Ann dahil hindi niya nakayang ilabas si Kris Ann nang dire-diretso mula sa bahay papuntang van. Pagdating sa van, nakatayo si Kris Ann. Pagsakay ni Anthony, napindot pa niya 'yung busina. Humingi ng tissue si Kris Ann para matanggal 'yung dye sa binti niya. Napatapang siguro 'yung formula nila: mga 3 takip na tubig + dye. Nagpalit ng blouse si Kristina, "Delicious" naman ang nakasulat. Sabi ko, wala bang "Tasty"? ^^; Bumaba si Joshua, 'yung batang sumisitsit sa amin ni Rachelle. Ampon daw nila David. Makulit, nanununtok, & malikot. Kinausap nina Pitchie & Kristina. Sinasaway nga ni David si Joshua, pero nakangiti. Sabi ko, paanong susunod sa kanya si Joshua, e nakangiti siya - parang hindi nagagalit. Tumutugtog din si Joshua ng lighting keyboard. Hayun, 'yung keyboard naman ang napagtripan nila. May ipinasuot na spaghetti strap na blouse si Pitchie kay Angeli. Nilagyan ko ng t-shirt sa tiyan si Angeli para magmukhang mataba. Kailangang patabain ang braso ni Angeli kaya humiram kami ng 2 face towels kay David. Sa dinami-dami namin sa grupo, ako & si Pitchie lang ang nag-PA (production assistant/private alalay^^;). Sina Klarisse & Rachelle, patugtug-tugtog na lang ng keyboard. 'Yung natira, nakatunganga o nagte-text. Fitting scene. 'Yung kamera ang salamin. Parang nagme-memorize ng linya si Angeli sa pagbitaw ng dialog - tagalog pa 'yung accent. Sinenyasan siya ni Kristina na lumapit. Biglang nagsalita si Angeli ng "what do you think?" paglapit niya sa kamera. Mamatay-matay si Kristina sa katatawa. Nagulat daw kasi siya dahil hindi niya inasahan ang ginawa ni Angeli. Nag-shoot din ng exercise scene. Sabi ko, hindi na 'yon kailangan dahil nag-radical diet si Karen para pumayat & hindi na nag-exercise. Pinabayaan ko na lang sila. Isinuot ni Angeli ang t-shirt na ipinalaman namin sa damit niya. Pinag-exercise nila ito sa labas. May mga kuhang kasama niyang tumakbo si Pitchie. Pinag-dumbbell din nila si Angeli. Kinontrata nila si Joshua para gumanap na batang Karen pero ayaw niya dahil gagawin siyang babae. Napilit din nila itong paartehin sa diet scene. Pinakuha nila si David ng tinapay & kinagatan niya ito sa isang anggulo. Nakalimutan daw niya na may bubblegum siya sa bibig. Aalukin ni Joshua si Angeli ng tinapay, tatanggi si Angeli, kakagatan ni Joshua 'yung anggulo na may kagat na. Pero parang ayaw mamigay ni Joshua dahil hindi niya inilapit 'yung tinapay kay Angeli. Hinintay pa naming gumabi para mai-shoot ang party scene. Gabi kasi ang oras nun. Nag-alala ang marami dahil gabi na sila makakauwi, lalo na si Anthony. Taga-Maynila lang kasi 'yung iba, samantalang kami ni Anthony, taga-Cavite pa. Gabi pa ang party scene pero nagbihis na kami. Astig 'yung CR, nasa 2nd floor - sa taas ng hagdan. Meron ding 2 kama sa itaas. Nasa kabilang kwarto 'yung drum set. Nag-teks sina Angeli, Klarisse, & Joshua. 'Yung dalawang lalaki, parang nakauniform - parehong naka-long sleeved blue polo. Wala raw costume si Klarisse kaya inimprovise na naman namin'yung victorian maid costume para maging palda lang. Pink blouse na pinatungan ng sparkling sleeveless green blouse ang pantaas niya. Nakakatawa 'yung hairdo ni Anthony (old school daw, bagsak na wet look). Ang cute ng costume ni Pitchie, parang Snow White. Si Klarisse daw 'yung reyna/witch/Madam Auring ^^;. Isinuot uli ni Angeli 'yung isinukat niyang damit. Pasaway ako dahil hindi ako sumunod sa dress code. 'Yung isinuot ko nung singing contest ang isinuot ko - pang-manang. Dalawa kami ni Klarisse na iba ang costume. Nanghiram 'yung mga babae ng rubber shoes kay David. Sa ate raw niya ang mga 'yon. Kinunan ni Kristina si Anthony na kunwaring tumutugtog ng lighting keyboard. Sa kaka-exhibition, natumba 'yung upuan. Nawala ang script. Napraning ako kahahanap sa script, e nasa taas lang pala. Palabas sa TV ang Little Big Star. Sabi ko kay Kristina, kung maganda & mataas ang boses ko, bakit hindi ako sasali sa singing contest. Naghugas kami ng juicer & mga baso para sa party scene. Iniakyat namin sa terrace ng 2nd floor ang mga baso, wine, coke, juicer, 1L bottle ng emperador, & 1L bottle ng SMB. Iniakyat din 'yung lighting keyboard para sa background music. Sa kakahintay sa gabi, napasobra naman kami. Nakakatakot umakyat sa spiral stairs. Wala pa naman akong pantylet noon (ako lang ba?) O.O. Natutulog sa katapat na kwarto ng terrace si Joshua. Umalis din naman siya. Maalikabok sa taas. Sabi ni Pitchie, Going' Bulilit daw ang tugtog (la kukuracha?). Sabi ni Rachelle, uubusin daw niya 'yung Coke – at tinotoo niya. Hindi ako nakainom kahit isang patak ng Coke, pero ok lang. Si Kris Ann ang nag-camerawoman. Umikot-ikot daw kami sa mesa habang sumasayaw. Baha na naman ang bloopers. Hindi ko alam kung bakit binuksan ni Anthony ‘yung polo niya, pakiramdam yata niya e macho siya. Nagbago ang plano. Itinabi namin ang mesa & mga upuan para lumawak ang dance floor. Dumating na ang nanay & ate ni David. Tumahimik kami. "Good evening, po." Sabi ng cook, "Tuloy ang party!" Masyadong mapapel si Anthony sa camera. Sabi ko, tumabi-tabi naman siya nang makita naman kami sa eksena. Sinaway ako ng mga ka-grupo ko. Huwag daw akong maingay. Party scene ang eksenang may pinakamaraming bloopers. Si Kristina na uli ang camerawoman nang kukunan na ang hilo scene. Nagtext ang nanay ko kaya naki-text muna ako kay Angeli dahil -as usual- wala na naman akong load. Binago nila 'yung script. Hindi na raw tatawag ng ambulansya. Bubuhatin daw ni Anthony si Angeli para isugod sa ospital. Pinahirapan pa nila 'yung tao (tao?) ^^;. Marami ring bloopers sa pagbuhat kay Angeli. Sabi ni Anthony, kayang-kaya raw niyang buhatin si Angeli (parang mas madaling buhatin si Angeli kaysa kay Kris Ann) - pero nahirapan siya. Nakaupo raw kasi si Kris Ann nang buhatin niya 'to, 'di katulad ni Angeli - nakahiga. Nabalatan pa niya 'yung paltos ni Angeli sa braso (kanan?). Binuksan nila 'yung wine kahit hindi malamig. Masarap daw. Nagligpit na sila habang kinukunan ni Kristina ang phone scene. Natawa siya dahil hindi raw ako nag-babay sa telepono bago ko ibinaba. Ang lakas ng dial tone. Pagbaba ko, nakita ko si Anthony na parang maiiyak & alalang-alala. Galit na galit na raw ang nanay niya. Hindi na kinuhanan ang kabilang linya ng phone scene dahil wala raw pantulog si Kris Ann. Pagkabihis & pagkaligpit ng gamit, nagpaalam na kami sa nanay & ate ni David. Nakiusap ang mga ka-grupo ko na ihatid kami ni David sa kanto. Nang nakasakay na kami sa kotse, nagbago ang plano. Ihatid na raw kami ni David sa sakayan. Kanya-kanyang bayad ng P25. Hindi akao nakabayad dahil wala akong barya. Nasa trunk sina Rachelle & Pitchie. Nang bumaba na si Pitchie, sumakay ako sa trunk para samahan si Rachelle. Para kaming mga refugees. Nagpatugtog na naman si David ng Wasting Our Time. Masaya sa trunk dahil kita ang langit, matagtag nga lang. Hindi ko na maalala kung bakit kami inabutan ng unan. Sabi ko kay Rachelle, "Parang wala tayong midterms sa Monday, a". Nakita ko na rin ang pink power billboard ni Janice Hung. Ibinaba si Angeli sa Kalookan, may sakayan daw doon ng LRT. Lumipat din kami sa loob nang bumaba na ang iba. Ibinaba kami ni David sa 'di kalayuan. Inalok pa nga kami ng pamasahe - e buo rin. Naiwan si Kristina sa kotse. Sumakay kami (ako, Rachelle, Klarisse, Kris Ann, & Anthony) ng jeep. Habang nasa gasolinahan, sabi nila maganda raw kung ia-arte ni Anthony 'yung commercial ng Fita - 'yung "I hate me! I hate me!" May umakyat na bata, nagpunas ng mga sapatos. Sabi ko, wala siyang pakikintabing sapatos dahil naka-rubber shoes ang mga pasahero. Binigyan ni Kris Ann ng pera 'yung bata. Maya-maya, isa-isa na silang nagbabaan hanggang kami na lang ni Anthony ang natira sa grupo (hindi ako sigurado kung kami 'yung bumaba o may naiwan pa sa jeep). Nag-alala ako sa kumag dahil tiyak na pagagalitan siya pag-uwi. Dasal nga ako nang dasal sa Diyos na 'wag sana siyang saktan ng tatay niya pag-uwi. Sabi niya, kailangan daw niya 'yon para magtanda. Sabi ko, hindi naman kami nagbulakbol. Nag-shoot lang talaga kami. Pagod na pagod na raw siya, masakit ang ulo & inaantok. Sabi ko, 'wag niya akong tulugan dahil hindi ko alam kung saan kami bababa. Pag-akyat ng jeep sa overpass sa Quiapo, muntik na siyang mahulog dahil umidlip siya. Sabi ko, kumapit siya. Bumaba kami kung saan & sumakay sa nakaparadang bus malapit sa Lawton, 'yung may 3 movie ads. Wala na raw sasakyan sa Park n' Ride dahil alas-9 na. Umupo kami sa left side ng Saulog Bus: ako sa tabi ng bintana, si Anthony sa may aisle. Napagod daw siya. Paanong hindi, e ang harot-harot niyang sumayaw. Sumakit daw ang ulo niya nang mag-ikutan sila ni Joshua, tapos pinabuhat pa sa kanya si Angeli. Nagugutom na ako kaya naglabas ako ng wafers. Meron daw akong wafers, e bakit hindi raw ako nagsasalita (nag-aalok). Sabi ko, hindi naman kasi siya nagtatanong. Hindi kasi ako nagmerienda. Bumili si Angeli ng mga tinapay, kumuha ako ng isang kababayan nang alukin nila ako. Isinubo ko nang buo kaya nahirapan akong nguyain 'to. Ngawit na ang panga ko, hindi ko pa nangunguya. Bakla raw 'yung katapat namin sa kanan. Sa tingin ko nga. Nakakaloko 'yung tingin, e. Sabi ni Anthony, binibigyan pa nga raw siya ng pamasahe. Ibinayad ko kasi ang kumag ng pamasahe sa bus. Sabi kasi ng nanay ko, ilibre ko raw ng pamasahe ang kaklase ko na makakasabay ko pauwi. Itinanong ko kung 1st time niyang ma-bakla. Hindi raw. Nagtanong 'yung kundoktor sa likod dahil may kasamang bata 'yung pasahero. May bayad na raw kasi ang bata kapag lampas na ng 5 taon. Sabi ko kay Anthony, paano kaya kung ginamitan ng kunduktor ng Health Ethics ang mga pasahero - e di walang kawala kahit gaano kaliit o ilang taon pa 'yung bata dahil "a person is a person, no matter how small". Sabi ni Anthony, bantayan ko raw 'yung bakla (baka may gawin sa kanya O.O). Natulog na ang kumag. Tumitingin-tingin ako paminsan-minsan sa katabi ko. Naalala ko 'yung kanta ko para sa isinusulat kong kwento: Mag-ingat sa Taong Natutulog. Kay sarap pagmasdan ng taong natutulog / Ingat lang ako, baka sa kanya'y mahulog... Natapos ko 'yung chorus, salamat sa katabi ko. Kay sarap pagmasdan ng taong natutulog / Ingat lang ako, baka sa kanya'y mahulog / Itong damdamin na aking kinikimkim / 'Di n'ya sana malaman / Sa kanyang paggising. May Lova Palooza noon sa Baywalk. Yayayain ko sana si Anthony na pumunta kami kaso, hindi dumaan sa Roxas Boulevard 'yung bus (Joke lang, baka sineryoso n'yo). Umalis na 'yung katabi ng bading na nasa tabi ng bintana pero hindi pa rin siya umalis sa pwesto niya sa may aisle. Laging itinatanong ni Anthony kung nasaan na kami tuwing nagigising siya. Bumaba na siya pagtigil ng bus sa tapat ng Aragon. Bumaba na rin ako sa 'di kalayuan.
Ayon sa mga ka-grupo ko, binugbog daw si Anthony ng tatay niya dahil ginabi kami ng uwi. Berde pa nga raw 'yung mga pasa nang pumasok siya nung Lunes.
Tanong: Kung sinamahan ko ba si Anthony hanggang sa bahay nila, bugbugin pa rin kaya siya? Makita ko kaya na binubugbog siya? Ano ba 'yun? *binatukan ang sarili*

Wednesday, May 10, 2006

Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 1

2/03/06 Magkita-kita raw kami sa Ministop Gastambide, 9 A.M.
2/04/06 9 A.M. Nasa tabi ng Ministop sina David & Anthony. Nasa loob naman 'yung iba kong ka-grupo. Hindi pa kami kumpleto kaya maghihintay pa kami. Buti & dinala ko 'yung trascription kit namin. Nanahi ako ng mga butones & automatic. Doon din ang meeting place ng film group ng ibang section. Parang cheong sam ang blouse ni Daryl. Hindi pa raw siya nag-aagahan. Astig 'yung pulseras niyang nakapaikot na kutsara. Tinanong ko kung wala bang pulseras na nakapaikot na kutsilyo. Natawa siya. Ipinakita niya 'yung shooting nila sa clinic. Karen Quinlan din ang kwento nila. Siya ang tatay. Si Kathrine daw si Karen. Bumili rin siya ng nakatetra-pak na gatas & Cloud 9. Medyo inuubo yata siya kaya sinabi kong akin na lang 'yung Cloud 9 (kapal ko, no?). Ibinigay naman niya. Nag-assign na si Pitchie ng roles. Si Kris Ann ang pinili kong nanay dahil nakita ko sa kanya ang x-factor para sa role na 'yon. Hindi ko naman akalaing hindi siya magaling umarte. Nang makumpleto na ang grupo, binalak na nilang umalis. Pupunta raw kami sa SM Manila para doon mag-shoot. Sabi ko konti lang ang dala kong pera - baka hindi magkasya kung mamamasahe kami nang malayo. May sasakyan naman daw si David. Hindi ko akalaing marunong siyang mag-drive (palibhasa, hindi ako marunong). Mint green na Hyundai Matrix - kotse. Paano 'yon? Marami kami. Paano kami kakasya? Walang masikip sa driver na mapilit. Si Kristina & Anthony sa unahan. Ako, si Rachelle, Klarisse, & Kris Ann sa likod. Naikwento ni Kris Ann na napanood na niya ‘yung Saw II. Parang Pinoy Big Brother, papasok kayo sa loob ng isang bahay at kailangan ninyong makalabas nang buhay. Pagdating sa SM, ibinaba kami sa parking lot. Pumasok na kami. Nakita namin ang poster ng Mine, Yours, Ours. 2 parents, 18 children, let the games begin. Astig! Wala pa raw V8. Videocam ni Kristina ang gagamitin. Mas maliit ang videocam niya kaysa sa 'kin, pwede ring kumuha ng pictures. Habang bumibili sila ng tape, nakatayo ako sa tabi ng Odyssey, nananahi ng transcription kit. Doon daw namin hihintayin si Angeli. Umalis ako sandali & pumunta sa Tokyo Kids para maghanap ng Wedding Peach Music Bouquet. Wala. Pagbaba ko, nandoon na si Angeli. Magshu-shoot daw sa loob ng department store. 'Di ba bawal 'yon? Hindi ko naman sila mapigilan kaya, go! Tawa nang tawa si Kris Ann. Hindi ba pwedeng umarte nang hindi tumatawa? Wala naman kasing nakakatawa. Kinutsaba nila 'yung saleslady, cashier, & bagger. Magsabi raw ng presyo ang saleslady, i-staple daw ng bagger ang plastic bag. Inip scene. Pipili ang nanay ng polo para sa asawa niya. Pupuntahan siya ni Karen. Tawa na naman. Kinausap ko si Kris Ann.
Me: (napakahinahon) Nahihirapan ka ba sa role mo? Kung nahihirapan ka, ibigay natin sa iba.
Kris Ann: (mahinahon na pagsusungit) Sana in the first place, sinabi n'yo na. Ano'ng gusto mo, ikaw?
Sabi ko ok, nagtatanong lang. Sana pala sinabi ko, oo. Ayaw ko kasing mag-aksaya ng panahon & pagod. Nagtago ako sa likod ng mga damit. Nilapitan ako ng manager. Tinanong ako kung ano ang kinukunan namin. Sabi ko project namin sa school. Sabi n'ya sa 'min, bawal daw ang ginagawa namin. Wala raw kasi kaming permit. Lumabas kami ng department store. Nung palabas na kami, sabi ng isang gwardiya & salesman, bawal daw ang ginawa namin. Patawa naman ang mga gagong 'yun. Nakita na nila kaming papasok & may dalang kamera pero hindi nila kami sinita. Celfone scene. Nag-shoot kami sa corridor, una si Kris Ann, sumunod si Angeli. Naasar talaga ako kay Kris Ann. Nagreklamo na siya, e isang eksena pa lang naman ang nakuhanan sa kanya & maiksi lang 'yon. Ako, tahi pa rin. Inip na ko, e. Sabi ni Angeli, marami raw ang namatay sa stampede sa Ultra. Nahati ang grupo. May bibilihin pa raw sina Pitchie, 'yung ribbon yata para sa sutana ng pari. Lumabas na kami nina Kristina. Sa tapat daw ng SM naka-park si David. Car scene. Tawa pa rin nang tawa si Kris Ann. Sino'ng direktor naman ang matutuwa niyan? Nagtago ako sa likod ng poste para hindi ako makuhanan. Paano 'yon makukuhanan si David, e pari siya? Magtanggal na lang daw ng salamin para maiba sa hitsura ng pari. Sabi ni Anthony, bagay daw sa ginagawa nila 'yung tugtog sa kotse: Wasting Our Time. Kinawayan nila sina Pitchie. 'Yung iba nag-taxi - Klarisse, Pitchie, Rachelle. Kinakabahan daw si David na mahuli dahil sa overloading. Kami, angkas uli sa kotse. Medyo natakot siyang sundan ang taxi. Nabangga raw kasi 'yung Nissan Frontier nila sa pagsunod-sunod niya sa isang Hyundai Starex o taxi yata. Next stop, North Cemetery. May pipi & binging parking attendant. Hindi namin maintindihan 'yung attendant. Dapat daw kausapin mo ito kung paano ka niya kunausap. Kung saan lang kami dinala. Nakapasok ang sasakyan namin sa loob ng sementeryo. 'Yung mga nag-taxi, bumaba & naglakad papasok. Pagkababa ng mga angkas ni David, sinundo niya 'yung mga bumaba sa entrance. Tinapos na ni Kris Ann 'yung ginagawa niyang lapida gamit ang pentel pen ko & illustration board na nadukot ko sa D505. Feel ko sanang gawin 'yon dahil gusto kong pantay lahat ng letters. Inutusan nila 'yung mga bata sa sementeryo na humiram ng bulaklak sa ibang puntod & babayaran daw sila ng mga kagrupo ko. Si David ang pari. Iglesia si David. Paring Katoliko ang role niya. Tinuruan na lang nila ng Sign of the Cross. Hindi ko kasi alam ang dialogue ng pari sa libing. 'Yung iba, mourners. Hindi ako sumali sa eksena dahil wala akong itim o puting damit. Hindi naman nila ako sinabihang magdala, e. Si Ralph dapat ang tatay, pero wala siya. Sino'ng tatay? Si Anthony. Nanghiram pa raw siya ng itim na t-shirt sa kapitbahay nila. Walang puting palda si Kris Ann. To the rescue, lab gown na itinupi. Walang costume si Father. Lab gown na binaligtad. Sutana? Violet na ribbon. Bible? Maui notebook na galing sa trunk. Holy Water? Sample size bottle ng Johnson's Band Aid Alcohol. Kinausap ko muna ang nakalibing kung saan namin ipapatong 'yung improvised na lapida. Si Ralph na 'yung gaganap kay John. Wala siya. Nasa Novaliches daw. Libing. Tawa naman nang tawa 'yung mga nagluluksa. Nag-sunglasses si Kris Ann para hindi halatang tumatawa siya. Hindi raw niya kayang umiyak. Tumambay muna ako sa trunk habang naghihintay matapos ang eksena. Gutom na 'ko. Maraming salamat, Daryl! Your Cloud 9 is a lifesaver. Bakit daw may nagsabi ng gago & lakad na father? Sa loob ng sasakyan sila nagbihis. Astig ang pinto ng trunk, umiigkas - as in fly open. May sneer drum & isang plastic box sa trunk. Maluwag naman daw sa trunk, e bakit hindi raw umupo 'yung iba dun? Inalis ni David 'yung division ng trunk. Nag-volunteer akong umupo sa trunk pero sina Pitchie & Angeli ang sumakay dun. Nagpababa si Angeli sa gate. Nahihilo na raw siya. Pumalit si Rachelle. Mainit & matagtag daw sa trunk. Baka raw hulihin kami ng pulis dahil overloaded ang sasakyan namin. Biruin mo - Anthony, Kristina, Pitchie, Rachelle, Kris Ann, Angeli, Klarisse, & ako - 8 kaming nagkasya sa kotse ni David. Sabi ko, ingat kami sa green boy. Gahaman daw ang mga traffic enforcer na naka-green. Napag-usapan si Marc - asar kasi sina Kristina & Pitchie dun. Bakit daw? Para raw kasing menopausal - masungit & epal. Sabi ng iba, mabait na raw 'yon. Last stop, bahay ni Ralph. Dumaan ang sasakyan sa pagitan ng KFC & Wendy's. Bumaba si Kristina sa tapat ng building. Bumaba ako sa kanto paikot. One way kasi 'yung kalye. Nagtanong kami sa gwardiya. Ralph Vincent Chan. RV Chan lang daw ang nandun. E, iisang tao lang naman 'yun. Bumaba 'yung tatay. Explain-explain. 'Yung kotse, Hyundai Matrix. Sabi ni Kristina, kamukha raw ng Kia Picanto. Astig 'yung pinto ng building - one-way mirror. Dumating na ang mga ka-grupo namin. Dumating na rin si Ralph galing sa pagba-basketball. Umalis ako para kunin ang tanghalian ko sa faculty room (wala rin naman kasi akong pambili). Bumili sila ng tanghalian sa KFC. Pagbalik ko, nasa taas na sila. 8th floor. Dalawa lang ang kwarto doon. Alin kaya sa dalawa? A, kung saan maingay! 802 / 803. Yosh. May workout equipment, maraming sapatos, & fruitfly culture bottles. May isang plastic table. May dalawang taga-FEU na nag-aaral sa plastic table. Pinagtripan nila 'yung workout equipment. Sira 'yung stationary bike. Naikwento uli ni Angeli ‘yung nangyari sa Ultra. 1st Anniversary kasi ng Wowowee. Sabi ni Ralph, nadagdagan na raw. Magshu-shoot daw habang kumakain. Nasa table ang pamilya - Angeli, Kris Ann, & Anthony. Kumain na si Anthony, kaya magbabasa na lang siya ng magazine. Sisenyasan ako ni Kristina para senyasan ko si Anthony na mag-react. May ilang beses din niyang nakalimutan ang dialog niya kaya isinulat ko sa resibo ang linya niya. Inipit ko sa magazine na babasahin niya. Nagreklamo si Angeli. Mauubos na raw ang pagkain niya, hindi pa natatapos ang eksena. Umalis na 'yung iba. Last scene, laitan. Lalaitin daw si Angeli. Ako, galing sa school, dadaan sa hagdan, kakatok/magba-buzzer, magmamano, tapos, manglalait. Is that you? You've eaten a lot! Shut up! You'll get fat. Whatever. Sabi ni Anthony, ang galing ko raw. ^^; Sunod, si Ralph. Nagsuot pa ng Wowowee na t-shirt. Adik sa mumog. Ang haba ng mumog shot. Lalabas sa CR & maglalait. You look fat. (tawang pang-asar)(lalapit & hahawakan ang tiyan ni Angeli - tiyan + unan) Belly good. Whatever. Tinanong ko si Anthony kung gusto niyang sumabay pauwi tutal taga-Cavite rin naman siya. Umalis na siya kasama si David. Uwian na. Sabi ni Ralph, pinagtitripan daw nila ng tropa niya 'yung elevator - pinapatay nila 'yung ilaw, etc. Naiwan ko ang sabon & pencil case ko, pero pencil case na lang ang nakabalik sa 'kin. I felt so helpless without my pencil case.
P.S. Sabi ni Anthony, sana sumabay na raw siya sa 'kin pauwi dahil nabankrupt daw siya sa pamasahe. Buti na lang daw e may nakuha siyang mga natirang barya sa bag.