Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 1
2/03/06 Magkita-kita raw kami sa Ministop Gastambide, 9 A.M.
2/04/06 9 A.M. Nasa tabi ng Ministop sina David & Anthony. Nasa loob naman 'yung iba kong ka-grupo. Hindi pa kami kumpleto kaya maghihintay pa kami. Buti & dinala ko 'yung trascription kit namin. Nanahi ako ng mga butones & automatic. Doon din ang meeting place ng film group ng ibang section. Parang cheong sam ang blouse ni Daryl. Hindi pa raw siya nag-aagahan. Astig 'yung pulseras niyang nakapaikot na kutsara. Tinanong ko kung wala bang pulseras na nakapaikot na kutsilyo. Natawa siya. Ipinakita niya 'yung shooting nila sa clinic. Karen Quinlan din ang kwento nila. Siya ang tatay. Si Kathrine daw si Karen. Bumili rin siya ng nakatetra-pak na gatas & Cloud 9. Medyo inuubo yata siya kaya sinabi kong akin na lang 'yung Cloud 9 (kapal ko, no?). Ibinigay naman niya. Nag-assign na si Pitchie ng roles. Si Kris Ann ang pinili kong nanay dahil nakita ko sa kanya ang x-factor para sa role na 'yon. Hindi ko naman akalaing hindi siya magaling umarte. Nang makumpleto na ang grupo, binalak na nilang umalis. Pupunta raw kami sa SM Manila para doon mag-shoot. Sabi ko konti lang ang dala kong pera - baka hindi magkasya kung mamamasahe kami nang malayo. May sasakyan naman daw si David. Hindi ko akalaing marunong siyang mag-drive (palibhasa, hindi ako marunong). Mint green na Hyundai Matrix - kotse. Paano 'yon? Marami kami. Paano kami kakasya? Walang masikip sa driver na mapilit. Si Kristina & Anthony sa unahan. Ako, si Rachelle, Klarisse, & Kris Ann sa likod. Naikwento ni Kris Ann na napanood na niya ‘yung Saw II. Parang Pinoy Big Brother, papasok kayo sa loob ng isang bahay at kailangan ninyong makalabas nang buhay. Pagdating sa SM, ibinaba kami sa parking lot. Pumasok na kami. Nakita namin ang poster ng Mine, Yours, Ours. 2 parents, 18 children, let the games begin. Astig! Wala pa raw V8. Videocam ni Kristina ang gagamitin. Mas maliit ang videocam niya kaysa sa 'kin, pwede ring kumuha ng pictures. Habang bumibili sila ng tape, nakatayo ako sa tabi ng Odyssey, nananahi ng transcription kit. Doon daw namin hihintayin si Angeli. Umalis ako sandali & pumunta sa Tokyo Kids para maghanap ng Wedding Peach Music Bouquet. Wala. Pagbaba ko, nandoon na si Angeli. Magshu-shoot daw sa loob ng department store. 'Di ba bawal 'yon? Hindi ko naman sila mapigilan kaya, go! Tawa nang tawa si Kris Ann. Hindi ba pwedeng umarte nang hindi tumatawa? Wala naman kasing nakakatawa. Kinutsaba nila 'yung saleslady, cashier, & bagger. Magsabi raw ng presyo ang saleslady, i-staple daw ng bagger ang plastic bag. Inip scene. Pipili ang nanay ng polo para sa asawa niya. Pupuntahan siya ni Karen. Tawa na naman. Kinausap ko si Kris Ann.
Me: (napakahinahon) Nahihirapan ka ba sa role mo? Kung nahihirapan ka, ibigay natin sa iba.
Kris Ann: (mahinahon na pagsusungit) Sana in the first place, sinabi n'yo na. Ano'ng gusto mo, ikaw?
Sabi ko ok, nagtatanong lang. Sana pala sinabi ko, oo. Ayaw ko kasing mag-aksaya ng panahon & pagod. Nagtago ako sa likod ng mga damit. Nilapitan ako ng manager. Tinanong ako kung ano ang kinukunan namin. Sabi ko project namin sa school. Sabi n'ya sa 'min, bawal daw ang ginagawa namin. Wala raw kasi kaming permit. Lumabas kami ng department store. Nung palabas na kami, sabi ng isang gwardiya & salesman, bawal daw ang ginawa namin. Patawa naman ang mga gagong 'yun. Nakita na nila kaming papasok & may dalang kamera pero hindi nila kami sinita. Celfone scene. Nag-shoot kami sa corridor, una si Kris Ann, sumunod si Angeli. Naasar talaga ako kay Kris Ann. Nagreklamo na siya, e isang eksena pa lang naman ang nakuhanan sa kanya & maiksi lang 'yon. Ako, tahi pa rin. Inip na ko, e. Sabi ni Angeli, marami raw ang namatay sa stampede sa Ultra. Nahati ang grupo. May bibilihin pa raw sina Pitchie, 'yung ribbon yata para sa sutana ng pari. Lumabas na kami nina Kristina. Sa tapat daw ng SM naka-park si David. Car scene. Tawa pa rin nang tawa si Kris Ann. Sino'ng direktor naman ang matutuwa niyan? Nagtago ako sa likod ng poste para hindi ako makuhanan. Paano 'yon makukuhanan si David, e pari siya? Magtanggal na lang daw ng salamin para maiba sa hitsura ng pari. Sabi ni Anthony, bagay daw sa ginagawa nila 'yung tugtog sa kotse: Wasting Our Time. Kinawayan nila sina Pitchie. 'Yung iba nag-taxi - Klarisse, Pitchie, Rachelle. Kinakabahan daw si David na mahuli dahil sa overloading. Kami, angkas uli sa kotse. Medyo natakot siyang sundan ang taxi. Nabangga raw kasi 'yung Nissan Frontier nila sa pagsunod-sunod niya sa isang Hyundai Starex o taxi yata. Next stop, North Cemetery. May pipi & binging parking attendant. Hindi namin maintindihan 'yung attendant. Dapat daw kausapin mo ito kung paano ka niya kunausap. Kung saan lang kami dinala. Nakapasok ang sasakyan namin sa loob ng sementeryo. 'Yung mga nag-taxi, bumaba & naglakad papasok. Pagkababa ng mga angkas ni David, sinundo niya 'yung mga bumaba sa entrance. Tinapos na ni Kris Ann 'yung ginagawa niyang lapida gamit ang pentel pen ko & illustration board na nadukot ko sa D505. Feel ko sanang gawin 'yon dahil gusto kong pantay lahat ng letters. Inutusan nila 'yung mga bata sa sementeryo na humiram ng bulaklak sa ibang puntod & babayaran daw sila ng mga kagrupo ko. Si David ang pari. Iglesia si David. Paring Katoliko ang role niya. Tinuruan na lang nila ng Sign of the Cross. Hindi ko kasi alam ang dialogue ng pari sa libing. 'Yung iba, mourners. Hindi ako sumali sa eksena dahil wala akong itim o puting damit. Hindi naman nila ako sinabihang magdala, e. Si Ralph dapat ang tatay, pero wala siya. Sino'ng tatay? Si Anthony. Nanghiram pa raw siya ng itim na t-shirt sa kapitbahay nila. Walang puting palda si Kris Ann. To the rescue, lab gown na itinupi. Walang costume si Father. Lab gown na binaligtad. Sutana? Violet na ribbon. Bible? Maui notebook na galing sa trunk. Holy Water? Sample size bottle ng Johnson's Band Aid Alcohol. Kinausap ko muna ang nakalibing kung saan namin ipapatong 'yung improvised na lapida. Si Ralph na 'yung gaganap kay John. Wala siya. Nasa Novaliches daw. Libing. Tawa naman nang tawa 'yung mga nagluluksa. Nag-sunglasses si Kris Ann para hindi halatang tumatawa siya. Hindi raw niya kayang umiyak. Tumambay muna ako sa trunk habang naghihintay matapos ang eksena. Gutom na 'ko. Maraming salamat, Daryl! Your Cloud 9 is a lifesaver. Bakit daw may nagsabi ng gago & lakad na father? Sa loob ng sasakyan sila nagbihis. Astig ang pinto ng trunk, umiigkas - as in fly open. May sneer drum & isang plastic box sa trunk. Maluwag naman daw sa trunk, e bakit hindi raw umupo 'yung iba dun? Inalis ni David 'yung division ng trunk. Nag-volunteer akong umupo sa trunk pero sina Pitchie & Angeli ang sumakay dun. Nagpababa si Angeli sa gate. Nahihilo na raw siya. Pumalit si Rachelle. Mainit & matagtag daw sa trunk. Baka raw hulihin kami ng pulis dahil overloaded ang sasakyan namin. Biruin mo - Anthony, Kristina, Pitchie, Rachelle, Kris Ann, Angeli, Klarisse, & ako - 8 kaming nagkasya sa kotse ni David. Sabi ko, ingat kami sa green boy. Gahaman daw ang mga traffic enforcer na naka-green. Napag-usapan si Marc - asar kasi sina Kristina & Pitchie dun. Bakit daw? Para raw kasing menopausal - masungit & epal. Sabi ng iba, mabait na raw 'yon. Last stop, bahay ni Ralph. Dumaan ang sasakyan sa pagitan ng KFC & Wendy's. Bumaba si Kristina sa tapat ng building. Bumaba ako sa kanto paikot. One way kasi 'yung kalye. Nagtanong kami sa gwardiya. Ralph Vincent Chan. RV Chan lang daw ang nandun. E, iisang tao lang naman 'yun. Bumaba 'yung tatay. Explain-explain. 'Yung kotse, Hyundai Matrix. Sabi ni Kristina, kamukha raw ng Kia Picanto. Astig 'yung pinto ng building - one-way mirror. Dumating na ang mga ka-grupo namin. Dumating na rin si Ralph galing sa pagba-basketball. Umalis ako para kunin ang tanghalian ko sa faculty room (wala rin naman kasi akong pambili). Bumili sila ng tanghalian sa KFC. Pagbalik ko, nasa taas na sila. 8th floor. Dalawa lang ang kwarto doon. Alin kaya sa dalawa? A, kung saan maingay! 802 / 803. Yosh. May workout equipment, maraming sapatos, & fruitfly culture bottles. May isang plastic table. May dalawang taga-FEU na nag-aaral sa plastic table. Pinagtripan nila 'yung workout equipment. Sira 'yung stationary bike. Naikwento uli ni Angeli ‘yung nangyari sa Ultra. 1st Anniversary kasi ng Wowowee. Sabi ni Ralph, nadagdagan na raw. Magshu-shoot daw habang kumakain. Nasa table ang pamilya - Angeli, Kris Ann, & Anthony. Kumain na si Anthony, kaya magbabasa na lang siya ng magazine. Sisenyasan ako ni Kristina para senyasan ko si Anthony na mag-react. May ilang beses din niyang nakalimutan ang dialog niya kaya isinulat ko sa resibo ang linya niya. Inipit ko sa magazine na babasahin niya. Nagreklamo si Angeli. Mauubos na raw ang pagkain niya, hindi pa natatapos ang eksena. Umalis na 'yung iba. Last scene, laitan. Lalaitin daw si Angeli. Ako, galing sa school, dadaan sa hagdan, kakatok/magba-buzzer, magmamano, tapos, manglalait. Is that you? You've eaten a lot! Shut up! You'll get fat. Whatever. Sabi ni Anthony, ang galing ko raw. ^^; Sunod, si Ralph. Nagsuot pa ng Wowowee na t-shirt. Adik sa mumog. Ang haba ng mumog shot. Lalabas sa CR & maglalait. You look fat. (tawang pang-asar)(lalapit & hahawakan ang tiyan ni Angeli - tiyan + unan) Belly good. Whatever. Tinanong ko si Anthony kung gusto niyang sumabay pauwi tutal taga-Cavite rin naman siya. Umalis na siya kasama si David. Uwian na. Sabi ni Ralph, pinagtitripan daw nila ng tropa niya 'yung elevator - pinapatay nila 'yung ilaw, etc. Naiwan ko ang sabon & pencil case ko, pero pencil case na lang ang nakabalik sa 'kin. I felt so helpless without my pencil case.
P.S. Sabi ni Anthony, sana sumabay na raw siya sa 'kin pauwi dahil nabankrupt daw siya sa pamasahe. Buti na lang daw e may nakuha siyang mga natirang barya sa bag.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home