Existensialist Diary Adventures Part 1
February 28, 2006 (Tuesday)
Gumawa ako ng poster para maka-attract ng streetchild na pumunta sa bahay namin dahil ayaw payagan si Justin na pmunta ng Maynila 'pag weekends kung maghahanap man kami ng streetchild sa Maynila. Isinabit ko ito sa gate namin.
Poster # 1 (Tuesday)
Isa ka bang streetchild, edad 9 - 12, marunong bumasa & sumulat o nag-aaral & nagtatrabaho? Pumunta ka dito sa Sabado, 9 ng umaga, & hanapin si Ate Jellyfish ('di totoong pangalan). Libre merienda & babayaran ka namin.Hindi ko naman naisip na maraming bata ang magsusulat ng mga pangalan nila sa 1/4 na papael na nakadikit sa poster.
Mime - 9, Minay - 11, Chuchi - 12, Rigine - 11, Rachell - 9, Marie - 9, Laika - 11, John Paul - 6, Alfred - 6, Jessa - 11, Jessabel - 10, Dabay - 9, Bong - 12, Marta - 12, Mayet - 9, Rogie - 8, Rico - 9, Bakla - 10
Ano?! 18 bata (minus 3 dahil disqualified sa age)? Paano naman namin 'yon tuturuan? 1 lang ang kailangan namin.
February 18, 2006 (Saturday)
Sinimulan ko nang isulat ang lessond na ituturo namin. Pagdating ng alas-11, lumabas ako para hanapin ang bahay ni Justin. Magkasama sana kaming maghahanap ng streetchild. Nasa kabilang barangay lang daw siya. Nakatira siya sa compound na may construction material establishment. Pero may poster sa gate na Bawal Pumasok ang Hindi Empleyado Dito. Kaya umuwi na ako & itinuloy ang pagsusulat. Nagpabalik-balik ako sa compound na 'yon ara hanapin si Justin pero walang nangyari. (Nakakainis talaga. Hindi pala siya nakatira sa compound. Ang sabi niya kasi, Aragon. Dalawa pala 'yung Aragon. Nasa kabilang kalye pala 'yung bahay niya. Mukha akong tanga. XP)
March 1, 2006
Poster # 2 (Wednesday)
Psst! Bata! Maniniguro lang.Sigurado ba kayong streetchild kayo? 'Yung naglalako ng aninda sa daan? Edad 9 - 12, marunong bumasa & sumulat o nag-aaral? Wala 'tong lokohan mga bata. Seryoso ako. Project namin 'to. 'Di ito laro. Kung hindi ba nain kayo babayaran, pero libre ang meryenda, pupunta pa ba kayo? Tanggalin ang tape kung saan nakasulat ang angalan n'yo kung hindi kayo pupunta kung walang bayad pero may merienda. Salamat. Sabado 9 am
Isinulat ko ang mga pangalan ng mga bata (na nagsulat ng pangalan nila noong February 28) sa mga piraso ng masking tape & idinikit ang mga ito sa poster. Nang gabing 'yon, nawala lahat ng mga pangalan sa poster.
March 2, 2006
Poster # 3 (Thursday)
PSST! BATA! HULING TAWAG NA 'TO! Isa ka bang streetchild, edad 9 - 12, marunong bumasa & sumulat o nag-aaral, & nagtatrabaho (naglalako ng paninda o basurero)? Pumunta ka rito sa Sabado, 9 ng umaga, & hanapin si Ate Jellyfish ('di totoong pangalan).Wala itong lokohan, bata. Seryoso ako. Project kasi namin 'to. Libre merienda. Salamat.
P.S. Magdala ng lapis & papel. Kung wala, ok lang.1 - 5 bata lang ang kailangan ko.
5 bata ang nagsulat ng pangalan nila.Mime, Jessa, Chuchie, Rhygiene Joy & Bongbong
Tatlo kami sa grupo: Ako, si Justin, & si David. Sumali si MC sa amin mga February 28 - March 3.
March 4, 2006 (Saturday)
Gumising ako ng alas-7 ng umaga. Baka kasi dumating agad 'yung mga bata & hindi ko pa nata-typr 'yung mga questionnaires. Nang alas-9 na, lumabas ako ng bahay para tingnan kung nasa barangay hall namin si Justin. Sinabihan ko siya na hintayin ako sa barangay hall. Wala pa siya kaya umuwi na ako. Nakatira si David sa Quezon City, malayo sa Cavite. Nag-text si MC kagabi na hindi siya makakarating. Hinintay ko 'yung mga bata hanggang alas-10, pero walang dumating. Kumain ako ng agahan. Nag-review ako ng mga handouts sa Philosophy & nakatulog ako habang nag-aaral. Nang 11:10 na, ginising ako ng tatay ko. Dumating na raw 'yung mga estudyante ko. 7 bata ang dumating. Tinanong ko kung sila 'yung nagsulat ng pangalan nila sa poster. Sila nga raw. Akala ko hindi na sila dadating. Hinanda ng tatay ko 'yung mahabang upuan & merienda ng mga bata. Sinabi ko na alas-9 ang meeting time namin pero 11:10 sila dumating. Tinanong ko sila kung naaalala nila 'yung nakalagay sa poster: Streetchild. Wala ni isa man lang sa kanila ang streetchild. Sabi ko, ok lang. Hindi mo naman pwedeng turuan ang isang bata habang nagtatrabaho siya. Tinanong ko sila kung naaalala nila 'yung nakasulat sa poster na nakasabit sa gate. Kinabitan ko sila ng name tags. Sina Chuchie, Bimbim, Joy & Mime ang pumunta. Inilabas na ng tatay ko 'yung merienda nila. Hindi sila tumigil sa pagkain. Natangahan ako sa sarili ko nang sabihin ko sa kanilang "sabihin lang nila kung handa na sila". Nainip na ako kaya sinimulan ko nang magtanong. Alam kong hindi nila naiintindihan kung ano man ang itinuturo ko. Maya-maya, ilan sa mga kapatid nila ang dumating & sinabihan silang umuwi na. Hindi kasi nagpaalam sa magulang 'yung iba. 2 bata na lang ang natira. Itinanong ko kung bakit lima lang silang pumunta. Sabi ng isa, pagtitindahin ko raw kasi sila ng isad. Saan naman nila nakuha ang ideyang 'yon? Wala naman kaming itinitinda. Ilang sandali, umalis na rin 'yung 2 bata & sinabing babalik na lang sila sa isang linggo. Pinlano ko nang maayos ang mga ituturo ko pero nasayang lang. Buti na lang wala sa mga ka-grupo ko ang dumating. Masasayang din ang oras nila.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home