Saturday, September 15, 2007

East Avenue Medical Center Delivery Room Duty Day 1

September 3, 2007
5:45 kami umalis sa bahay. 6:45 ang call time sa East Avenue Medical Center. Sasabay daw sa akin si Marie. Naku, yari! Pareho kaming male-late. Sasamahan sana ako ng tatay kong mamasahe, kaso male-late na nga kami. I-text ko raw si Marie na sa KFC na maghintay. Nag-text kasi siya kagabi na sasabay siya sa akin kahit mamamasahe lang kami. Gusto niya lang daw nang may kasabay (para sabay kaming maligaw?^^;). Baka raw maligaw siya. Na-text ko na sa Recto gate siya maghintay kaya pagdaan namin sa KFC, wala pa siya. Tinawagan ko siya. Hindi niya nakuha ang sinabi ko. Tumawag ako uli para sabihing tumawid na siya. Inihatid kami ng tatay ko sa Legarda Station. Nag-LRT kami. Nag-aalala kaming baka ma-lay off kami. Kung merong dapat ma-lay off, ako 'yon - dahil makikisabay
lang si Marie sa akin. Sana mas late sa orasan namin ang orasan sa ospital. At kung lalaitin man ako ng clinical instructor dahil wala akong maisagot, sana makaya ko. Sa Anonas Station kami bumaba - south entrance. Tumakbo na si Marie. Ang hirap tumakbo kasi naiihi na ako. Tiningnan namin 'yung mga dumadaang jeep - puro papuntang Cubao. Nagkamali yata kami ng baba. Nagtanong kami sa isang mama kung saan ang sakayan papuntang city hall. Sa likod daw ng St. Joseph. Sumakay kami sa jeep papuntang city hall. Tinanong namin 'yung driver kung alam niya ang papuntang ospital. 'Yung De Luna raw ba? Hindi. May babaeng sumakay na bababa sa East Avenue. Tinanong ko si Marie kung anon'ng gagawin namin kung ma-lay off kami. Hindi raw kami male-lay off. Pinatay ko ang celfone ko. Tumawag si Martin kay Marie. Nag-o-orient na raw 'yung nurse pero hindi pa dumarating 'yung mga CI na taga-UERM. Tinanong namin 'yung babaeng bababa ng East Avenue. Malayo pa raw kasi iikot pa 'yung jeep. Nang bumaba 'yung babae, sinabi niyang ospital na 'yung susunod na gate. Nagpasalamat kami & bumaba na. Nagtanong kami sa security guard kung saan ang delivery room. Sa 3rd floor daw ng pinasukan naming building. Umakyat kami ng hagdan. Ob-Gyne Ward. Pumasok kami sa Nursing Student's Room Aaaa! Nakapagbihis na sila ng scrub suit. Nagpalit na rin kami. Pumasok na kami ng DR (delivery room). Nagtanong kami sa station kung nasaan 'yung mga student nurses. Baka raw nasa Birthing Room. Wala. Hanap, hanap. Hayun, nasa Sterile Room. Ipinapakilala ni Nurse Fiala ang mga instumento. Naku, 7:30 na yata. Super late! Bahala na. Umekstra na lang. Oschner na 'yung ipinapakilala nang dumating kami. Maya-maya, lumabas kami ng Sterile Room & pumunta sa Scrub Area. Astig! May knee controls. May 2 Scrub Area - isa sa kanan & isa sa kaliwa ng corridor. 'Yung parang kabinet sa ilalim ng lababo ang knee controls - isa para sa tubig & isa para sa sabon. Pumunta kami sa tapat ng OR/DR 4. Itinuro sa amin ang closed gloving & pagsuot ng gown - hawakan ang top ng gown, ipahid ang basang kamay, drop, isuot, ipatali sa circulating nurse ang likod ng gown. May CS (cesarian section) daw ngayon. Gustong kunin ni Den-den 'yung case, pero sa amin ni Diana ibinigay. Sabi ni Mam Fiala, alphabetical daw. Kaya kami ang unang na-assign. Natakot ako dahil hindi ko naaral 'yon. Sabi ni Mam Fiala, 'wag daw akong matakot dahil tutulungan niya kami. Hindi raw kami matututo kung hindi kami napapagalitan. Sabi ko, e di genius na 'ko - kasi lagi akong napapagalitan.
TO BE CONTINUED...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home