Thursday, May 11, 2006

Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 3

2/15/06
Chapel, 11:30 - 12:15
Church scene. Pinagbihis ko na 'yung mga kasali sa eksena. Ang tagal dumating nina David & Anthony. Si David ang pari, naka-short-sleeved blue polo. Nagshoot kami sa gilid ng chapel. Ginamit namin 'yung dalawang upuan doon. Sabi namin kay David, tanggalin niya 'yung "gay band" niya. Hiphop si Father. Pinahagulgol ko si Kris Ann - as usual - ayaw niya.Pinalapit ko si David kay Kris Ann. Ang layo, e. Hindi natapos ang eksena dahil magsisimula na ang misa. Babalik na lang kami anytime this week. Napagkasunduan na naming umalis dahil baka mapagkamalang pari si David & siya ang pagmisahin.
College of Law - Moot Court, 4 P.M.
J V Casamayor vs. The Students of AHSE
Magshu-shoot kami ng court scene kaya pumunta kami sa Moot Court ng College of Law. Pinagsuot nila si Ralph ng pormal dahil abugado ang role niya. Sabi ni David, may dala siyang 2 polo: isang blue & isang pink. Suot niya 'yung blue & naiwan daw niya sa sasakyan 'yung pink. Sabi ko, 'wag ipasuot kay Anthony 'yung pink dahil lala siyang iitim. Walang costume ang huli kaya bumaba ako para kunin ang reserba kong polo sa kotse namin. Alam kong kukulangin o walang magdadala ng damit kaya nagdala na rin ako. Malayo rin pala ang lakarin mula sa Moot Court papuntang parking lot. Tama ang kumag. Malaki kay Anthony 'yung polo. Natural, sukat ko 'yun, e. Hah! 'Yun ang suot ko nung prom. Si David ang chief justice kaya nagdala siya nung kahoy na martilyo & pukpukan. Wala raw may dala ng robe. Kakailanganin na naman ang tulong ng victorian maid costume ni Daryl. Ang daming nagyosi sa loob ng moot court. Natakot ako & baka hulihin kami. Ipinasuot ko kay David 'yung buong costume. Mwehehe. Kasya sa kanya pero nahirapan siyang ipasok 'yung balakang niya. Natawa ako. Ang halay! Walang boobs! Ipinasok namin 'yung torso part sa loob ng palda & iniharap 'yung parteng may zipper para magmukhang robe. Wala rin costume 'yung iba pero may nagdala ng mga blazers o pampatong sa damit. Um-extra 'yung mga taga-Terri group bilang audience o witnesses. Sabi ni Pitchie, nagpaka-epal daw si Marc sa kamera. Naingayan ako kaya nakiusap ako sa mga tao sa likod na lumabas muna dahil hindi maririnig 'yung dialog sa kamera. Hindi ko naman alam na nasa likod si Cisamayor (Cisa for short, 'yung gwardiya) na may hawak na mga baraha & kausap ang isa sa mga kaklase ko. Sabi niya, sige - mag-shoot daw muna kami & mag-usap daw kami pagkatapos. Natapos ang shooting. Nakalimutan ko nang may problema kami. Kinausap kami ni Cisa sa labas ng moot court. Sino raw sa grupo namin ang sasama sa kanya sa SAO (?)? Alam daw ba naming bawal magdala ng baraha sa eskwelahan dahil pagsusugal daw 'yon. Bakit daw kami gumagamit ng moot court nang walang paalam? Hiningi niya ang mga pangalan ng mga gumamit ng baraha (4 sila: Camille, Billy, etc.). Kinukuha rin ang pangalan ni Arianne pero hindi niya ibinigay. Sabi ni Arianne, nagpaalam siya sa AHSE office & sa dean ng College of Law kung pwedeng gamitin ang moot court. Sabi sa College of Law, pwede raw gamitin ang moot court hangga't walang naka-schedule na gagamit na taga-Law. Sabi ko, 'pag pumunta kami sa opisina, siguradong babaligtarin kami ng mgha matatanda. Sabi ni Cisa, bakit raw niya kami babaligtarin? Sabi ko, hindi siya - 'yung mga taga-opisina. Ang tapang ni Arianne! Pumunta ang grupo namin, si Arianne & si Cisa sa opisina ng College of Law para kumpirmahin ang sinabi ni Arianne. Tama ang huli. Laking pasasalamat ko kay Arianne. Dadalahin daw ni Cisa 'yung pangalan ng 3 o 4 na gumamit ng baraha sa SAO. Naku! Baka magka-record ang mga 'yon & hindi makaalis sa AHSE. Galit na galit ang mga kaklase ko. Gusto lang daw magpasikat ni Cisa & i-promote ang sarili. Buti & hindi nakita ni Cisa 'yung maraming nagyoyosi sa loob ng korte. Marami pang grupo ang gagamit ng korte. Pagkaiwan ng mga gamit sa faculty room, naghanap na kami ng mag-e-edit ng video. Pumunta kami sa Picture Madness. P2 000 daw ang editing. Nakita ni Rachelle ang signboard ng Audiovox. Umakyat kami. Ang taas. Liblib & nakakatakot kung magkakasunog doon. Naku! "wag naman. Ok naman 'yung in-offer nilang services. Noise reduction lang daw ang hindi nila magagawa. Epal kausap 'yung kalbong si Kuya Warren (Naaalala ko sa kanya si Darth Vader. I wonder why.). P600 daw ang minimum & madadagdagan na lang depende sa oras na magagamit. Itinanong niya nag course namin. Sabi ko pre-dent. Sabi ng mga kaklase ko, dapat nursing daw ang sinabi ko para hindi kami tagain sa bayad. Nagpakita na rin siya ng finished products. Ok naman. Sabi ko, magka-canvass pa kami. Sabi niya, sa kanila na raw kami magpa-edit. Maaaring makakuha kami ng P250/editing pero pangit daw ang quality. Lumabas kami sandali. Sabi ng mga ka-grupo ko, dun na raw kami magpa-edit. Nagpareserba na kami. Nag-abono ako ng P200 & si Pitchie ng P100 para sa downpayment sa pagpapareserba.
2/14/06 Nagpasa kami ng sulat sa Clinic na humuhingi ng permiso para makapag-shoot doon. Sa labas na raw kami magkita-kita & hindi sa loob ng clinic.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home