Thursday, May 11, 2006

Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 4

2/16/06
Happy Birthday, Kristina!
Birthday ni Kristina kaya uuwi siya nang maaga. Sabog na sabog ako sa araw na ito. Hindi ko alam kung bakit. Dumating sina Gholami & Rose sa ED 311. Hindi dumating si Wilmer na siyang gaganap bilang Dr. Morse. Si Gholami ang pumalit sa role niya. Nagmamadali sina Gholami kaya nag-shoot na kami ng alas-6. Ako ang camerawoman sa gabing ito dahil konti na lang daw ang space sa V8 ni Kristina. Hindi ko alam kung ano ang ipapagawa ko sa mga ka-grupo ko. Halos lahat sila, nagmamadaling makauwi. Hindi ko alam kung bakit naghubad ng polo si Anthony & nagtago sa loob ng cubicle. Sabi ni Kris Ann, 'wag daw siyang panoorin. Sabi ko, sige, pagbigyan si movie star. Aba, nagalit & nagsumbong kay Angeli. Nang paartehin ko na (mag-alala), sinabi ni Angeli na isipin na lang daw ni Kris Ann ang nagyari. Tinanggap ko na kung anumang bloopers ang gawin ng mga ka-grupo ko. Nasasayang ang oras, pagod, change & tape. Nag-sorry ako kay Kris Ann. Akala ko raw ba ay madali ang ipinagagawa ko? Nag-sorry ako dahil ayaw ko ng kaaway. Pinapili ko sila ng kama para kay Angeli. Mababa 'yung napili nilang kama. Ikinabit na nila 'yung mga props. Kinunan ko na rin 'yung pagpapatanggal ng respirator. Iniwan na ni Kristina 'yung videocam niya sa akin. Kukunan kasi ng picture si Angeli & 'yung mga dying patients. Nang matapos ang check-up scene nina Gholami & Rose, sinamahan na sila ni Pitchie sa Audiovox para ipa-record ang narration. Dinala nila ang kaisa-isahang script. Nagmamadali si Anthony dahil 'pag ginabi siya, bubugbugin na naman siya ng tatay niya. Kinunan ko na ang senti moments ng kumag. Siya ang gumawa ng eksena niya. Hinayaan ko na siyang umuwi. Kinunan ko na rin ang senti moments ni Kris Ann. Hinayaan niyang humarang ang buhok sa mukha niya. "I never wanted to be kept by extraordinary means" scene. Video na ang ginamit ko dahil mahirap ipakita sa picture ang pag-iling. Nainip si Ralph kaya umidlip muna siya. Dumating na si Pitchie. Pinasama ko siya sa isang eksena dahil kulang na ng character. Pagkakuha ng eksena ni Ralph, umuwi na siya. Tatlong eksena na lang & matatapos na kami. Sabi ko kay Angeli, masaya 'yung susunod niyang eksena dahil magwawala siya. Binara ako ni Kris Ann. "Ano kayang masaya dun?" Naasar na rin siguro sa kanya si Rachelle kaya sinabihan siya ng "Umuwi ka na nga." "Bakit mo ba ako pinapauwi?!" sagot ni Kris Ann. Fetal position scene. Nahulog si Angeli sa kama kaya itinigil ko 'yung record. Sana hindi ko itinigil para raw madagdagan 'yung bloopers. Umalis na 'yung iba para magbihis. Nag-sorry ako kay Angeli & itinanong kung ano ang sinabi ni Kris Ann tungkol sa akin. Sabi ni Pitchie, saka ko na lang daw itanong 'yon & tapusin na namin ang shooting ng pagwawala. Sabi ni Angeli, masakit daw sa likod 'yung kama sa clinic & sumakit ang ulo niya sa pagwawala. Ako na ang nag-uwi ng videocam & nebulizer accessories ni Kristina. Natapos ang shooting ng alas-8. Nakaka-asar 'yung dingding ng napili nilang kama, bakbak 'yung puting pintura kaya may brown spot doon. Pinanood ko 'yung mga nakuhanan ni Kristina. Ang daming bloopers, lalo na sa party scene. Sayang & hindi nadala ni Kristina ang charger para kung sakaling ma-low batt 'yung videocam niya, e mai-charge ko.
P.S. Sabi ng nanay ko, may hitsura raw si Anthony. Ipinakita ko kasi sa nanay ko 'yung video. Sabi ko, "Bakit kaya siya nagustuhan nung bakla sa bus?"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home