Saturday, May 20, 2006

Karen Ann Quinlan Play: Editing Day 2

. . .
Sociology. Sabi ni Kristina, 13 minutes lang ang duration ng play namin. Marami kasi ang kulang sa play namin. Marami akong naging hirap para sa play na 'yon pero hindi man lang ako na-appreciate ng mga ka-grupo ko. Sabi ni Kristina, sino raw ba ang nagsabi na hindi ako naa-appreciate? Hindi na kailangang sabihin dahil nararamdaman ko, & saka kung na-appreciate nila ang hirap ko, e di sana wala akong nakaaway. Nag-tuluy-tuloy na ang bad trip ko hanggang PE. Pumunta na ako sa Audiovox pagkatapos ng PE. Kailangan ako doon dahil ako ang nakakaalam ng kwento. Ni-retype ko 'yung script dahil nawala 'yung kaisa-isahang kopya. Napagdugtong na raw 'yung pagbuhat sa miscarriage scene. Inayus-ayos na 'yung play. Maiksi lang ang mga kuha ko sa clinic kaya ginawan ng still shots 'yung iba. Nilagyan din ng "In Loving Memory of Karen Ann Quinlan" para humaba. Gabi na nang mai-type ko 'yung cast, sponsors, & acknowledgement. Gutom na gutom na naman ako. Alas - 9 na nang matapos ang pag-eedit ng play & ng cast ek-ek. Inumpisahan nang gawin ang bloopers. Unahin daw 'yung bloopers kaysa acknowledgement para panoorin pa ng mga kaklase ko 'yung bloopers. Sila na raw ang bahalang gumawa ng bloopers kaya umalis na kami ni Kristina nang mga 9:30.Sarado na ang Recto gate kaya sumabay ako kay Kristina sa pagsakay sa jeep. Ibinayad niya ako ng pamasahe. Pagkababa ng jeep, nagmadali na ako sa paglalakad. Mga 9:45 ako nakarating sa Gastambide gate. Nasa parking lot na ang mga magulang ko. Nag-alala ako kung nadala nila 'yung hiniram kong libro sa Genetics dahil may practicals kami kinabukasan. Sabi ng tatay ko, nasa bag na raw. Inabutan ako ng tinapay nang magreklamo akong gutom na gutom na ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home