Saturday, September 29, 2007

National Service Training Program NTC 2: Missionaries of Charity

8/4/05 Malamig & umuulan. Matuloy kaya kami sa Missionaries of Charity? Maaga kaming pinapasok nung isang Sabado, 9 ng umaga, dahil sasabay daw kami sa ibang klase na papunta doon. Akala ko hindi darating 'yung prof namin. Hindi raw matutuloy 'yung mga klaseng sasabayan namin kaya kami na lang ang pupunta. Sayang naman ang hirap ng mga kaklase kong magbuhat ng mga donations. Sumakay kami ng jeep sa tapat ng Recto gate. Hayun, 'yung mga kaklase kong malapit sa estribo, nakikipagkilala sa lalaking nasa passenger seat ng isang kotseng blue. P12 ang pamasahe. Nagkamali ng pasok ang driver. Sa simbahan kami napunta. Ang home for the aged ay katabi ng orphanage. Ang tagal naming naghintay sa likod ng gate. Sabi ng kaklase ko, parang hindi kami welcome. Nakapasok din nama kami kung nasaan ang mga matatanda. Hindi ako pumasok sa loob, hindi dahil sa diri - kundi sa awa & lungkot ko para sa mga matatanda dahil wala akong magawa para mapasaya sila. Nakita ko naman sila mula sa labas. Ang papayat nila. Nagdonate ang klase namin ng mga toiletries & 2 kahon ng tetrapak juices. Balita ko nga, naubos ang pondo ng klase. Pumunta naman kami sa orphanage sa kabilang gate. Hindi rin ako pumasok sa loob sa parehong dahilan. Isa pang dahilan ay tapos na ang visiting hours ng orphanage. Galing na kami doon noong isang semester. Hindi ko mapigilang umiyak. Talagang nakakaawa 'yung mga bata. 'Yung mga malalaki na, may mga diprensya. 'Yung isang bata, may hydrocephalus daw. Nakakaawa dahil hindi nila kagustuhan ang mapunta roon & ang kalagayan nila ngayon. Nandoon din ang Lion's Club & iba pang mga klase sa NSTP (pati yata ng ibang eskwelahan). Kanya-kanya ang uwian. Hindi ako taga-Maynila & hindi ako namamasahe kaya hindi ko alam kung paano ako babalik ng UE. Nakisabay ako sa iba kong mga kaklase. Nakadalawang sakay kami ng jeep & bumaba sa Morayta.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home